masaya kaming nagkukuwentuhan tungkol kay baby alec ng aking kapatid, ng nabigla ako sa tanong nya sa akin. "hindi ka na ba talaga hahanap ng lalakeng para sayo? tatanda kang mag-isa." binigyan ko sya ng isang ngiting alam ko na hindi umabot sa aking mga labi sabay sagot, "aalagaan naman ako ng anak ko." hindi sya natuwa sa sinabi ko dahil ngumiti lang sya at umiling na parang di makapaniwala sa sinasabi ko.
alam ko nagtataka sila bakit ako pumayag sa ganito, na maging pangalawa lamang sa buhay ng lalakeng mahal ko. kilala kasi nila na masyadong mapagmahal ang ate nila, na dapat lagi kong kasama ang isang taong mahal ko, na gagawin ko ang kahit anong makakaya ko maipaglaban lamang ang kaligayahan ko. pero aminado ako this time- this is the one battle i stand to lose. dahil bago ako dumating sa buhay nya, nakapili na sya ng makakasama habang-buhay. and because i love him to death, i settled for second best.
mahirap pala na bukod sayo, may isang bata na naaapektuhan sa mga nangyayari. dati ang tapang tapang ko. pero ngaun nasasaktan ako pag naiisip ko kapakanan ng anak ko. hindi ko alam kunp magiging sapat ang tawag sa telepono, ang isa o dalawang beses kada taon na pagbisita para makilala nya ang daddy nya.
sa darating na july ay bibisita kami sa hongkong. pinapanalangin ko na maging masaya at memorable ang pangalawang beses na pagkikita ng mag-ama. greatest fear ko lang cguro e,ung maramdaman ko na hindi sya enjoy kasama kami, un bang may iba syang iniisip o di kaya baka makaramdam ng guilt dahil maalala nya ang wife- just like what i felt before. at nainis pa ko kanina dahil pinagsabihan nya ko na baka may kitain akong kafriendster sa hk pagpunta dun. tama ba un? sabi ko kung yan lang ang iniisip mo,mabuti pa wag na kami tumuloy.
Hayy,not easy being a mistress. basta nauna ako sa tawagan na mommy at daddy. magtatampo ako kung gagayahin un.
'nuff said...
Monday, April 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment